Sunday, September 10, 2006

si ambet sa bahay namin

august 22, 2006

" happy birthday panget" -- yan bungad ko sa kanya nung aug 22, konting family celebration kasi napagod na rin kami. nung 21 nagpunta na rin kami sa grave nya.

ngayon, since tapos na ang bday nya may ikwe-kwento naman ako sa inyo...

nung araw ding un naligo agad ako... habang naliligo ako biglang naamoy ko ung simoy ng amoy sa ICU sa kwarto ni ambet. ok lang hindi naman ako natakot. medyo nakaka kilabot pero ok lang, sanay na rin ako sa kanya.

nung madaling araw ng wednesday ata or tuesday, nagpa panaginip si ambet kay kuya. sabi ni kuya: si ambet daw naka puting tshirt.. tapos hawak nya ung cp. sabi nya tatawagan daw nya ung mga kaibigan nya para papuntahin dito para din makita sya. hindi ko masyadong naintindihan kwento ni kuya pero parang medyo natatakot ung mga kaibigan ni ambet kasi nga nagpapakita sya...

eto pa ung mga panahon na nagpaparadam si ambet after nung libing.
1. the day after his burial - madaling araw na rin na umakyat kami ng aking pamilya sa kwarto. nagkataon sila mama gising pa tapos sabi ni mama may paa daw sa may pinto nila. so lumabas nila ni daddy kasi akala nila. pag bukas nila wlaa namang tao so bumaba sila, pero wala din....

a few minutes after that incident... natutulog ako sa kwarto ko. since laging sarado pinto ko kaya kampante ako. pero this time bigla akong naalimpungatan, pagtingin ko sa pinto ko naka bukas tapos may naka tayo sa pinto... naka side view tapos kalbo naka americana na parang itim. pero ok lang bumalik nlang ako sa pag tulog...

2. medyo nakaidlip na ako ng biglang narinig kong may nagbukas ng lock ng pinto. madaling araw na so medyo nakiramdam ako... after ng lock narining kong bumakas ang pinto... eeeennngggwww. ok lang pinalagpas ko un, after nun biglang may parang kumain sa kusina. so nagtext na agad ako kay daddy para walang ingay akong magawa. bumaba kami at sinilip. pero walang tao... pero malamig ang paligid.

3. so i heard it again.. the click of the doorknob and the tick of a spoon. i just went back to sleep. suddenly i heard a noise - ung pag singa` ng kuya ko that he used to joke around specially at me. - i freaked out. i ran to my parent's bedroom. damn that was so close!! natakot ako bigla kasi nasa tenga ko na ung pag singa ni ambet. waaaaa sa takot ko tumakbo ako sa kwarto nila mama.

4. since my dad flew back in middle east, i decided to sleep with my mom and younger brother moved in my bedroom for a change. usually, i will hug my teddy and thats the time i will get fast asleep.. this time i placed clangclang beside me near the headboard. a few minutes later biglang natumba ung eficascent oil na nasa gilid lang then on my right, i could see a light smoke or a fog but i cant view it. ang layo naman din clangclang sa pwesto na un.

No comments: